Martes, Pebrero 26, 2013

Buhay ko

Kung titignan ko ang buhay ko sa nakalipas na panahon
Malayo layo na rin ang aking narating 
Milya milyang pangarap ang nakamit at patuloy na minimithing maangkin
At sa bawat nilalang na aking nakadaupang palad
Mga taong minahal ko sa  bawat panahon at pagkakataon
noo, ngayon at sa hinaharap.
taos puso akong nagbibigay pugay sa kadakilaang mahalin ako
Kung dadating man ang dapit hapon ng buhay ko mangangarap ako muli
upang ang natitirang sandalin ay maging alaalang kay hirap iwaglit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento