Miyerkules, Pebrero 27, 2013
Para sa Kabataan ng Sambayanan ni Rico Dimapilis
Isa akong kabataang bulakenyo na tumutugon sa hamon ng panahon, tumatawid sa landasing makadios may sariling pagpapasya sa lalong ikabubuti ng buhay’t ikakaganda ng lipunang ating ginagalawan.
Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais ko makaukit ng isang pilas sa kasaysayan sa darating na panahon upang ang binhi ng kabataan ay patuloy na yumabong at magdulot ng patuloy na paglilingkod sa Dios at lalo na higit sa dakilang Diosesis ng Malolos sa ano mang uri o kaparaanan.
Nais ko magsumikap habang ang mga mata ko’y dumidilat sa umaga, upang ang bawat kabataan ng Diosesis ay mamuhay si Kristo sa kanilang puso’t isipan.
Habang malayo pa ang aking lalakbayin’t tatahakin sa mundong ito,marami pag makakadaupang palad, hanggat patuloy na iikot ang daigdig,iisa lang ang minimithi kong dalangin ang “magsimula sa kabataan ang walang hanggang pananampalataya”.
Para sa Kabataan ng ating sambayanan panalangin kong itoy hindi magmamaliw.Dumating man ang araw na kalimutan ako ng mundo, ninanais kong sambit kong winika’y tuwi tuwinay makarating hanggang langit.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento