Martes, Pebrero 26, 2013
Sto Nino Exhibit ng Sub-Parish Commission on Youth
Ang buwan ng Enero ay dakilang kapistahan ng batang Hesus o Sto Nino sa wikang kastila. Ang Komisyon ng Kabataan ng Sub- Parish ng Calantipay ay nagkaroon ng aktibidades sa buwang ito isa na rito ang pagkakaroon ng Munting Santo Nino Exhibit’13 na ginanap sa kainang bahagi ng bisita noong Enero 6 hanggang 10 ng taong kasalukuyan, binuksan ang exhibit pagkatapos ng banal na misa ng ika 4 ng hapon sa pangugunan ng ating Kura Paroko Rev. Fr. Larry Benedictos.
Katulong ng kabataan ang mag Camarero o nangangalaga ng mga imaheng pagkatoliko na nagmula pa sa lungsod ng Malolos, ilan sa mga imahen na nakiisa ay ang Dulce Nobre Nino Jesus del Passion de Santa Isabel, Dulsicimo Nombre Jesus de Dormido de Santor, Nino Jesus del Pastor, Santo Nino delas Flores de Calantipay at Santo Nino del Carmen.
Sa pakikiisa at pagtutulungan ng pamunuan ng kabataan at Sangguniang Pastoral ang Munting Exhibit ay matagumpay na naidaos, nakalikom din ang Kabataan ng pondo para magamit sa mga adhikain ng komisyon upang mapagpatuloy ang paghubong sa kabataan na maglingkod.
Nagpapasalamat ang SPCY-Calantipay sa mga sumusunod:
Server of St. Lawrence (Diacono y Martir de Santor)
Nuestra Senora Delas Flores Parish Commission on Youth
Sangguniang Pastoral ng Calantipay
Rev. Fr. Larry Benedictos
At mga may ari ng mga imahen (Camareros)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento